Isinagawa ng Calasiao Police Station ang ceremonial destruction ng mga nakumpiskang modified mufflers, boga, at paputok bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa bayan.
Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Public Safety and Order Office, at mga miyembro ng TODA, bilang patunay ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya.
Ayon sa pulisya, layunin ng pagsira sa mga nakumpiskang kagamitan na paalalahanan ang publiko na umiwas sa paggamit ng delikadong paputok at iba pang bawal na kagamitan upang maiwasan ang aksidente at panganib sa buhay.
Facebook Comments






