
Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang mahigit ₱14 milyong halaga ng nasabat na sibuyas ay positibo sa E. coli at salmonella.
Ito ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri kung kaya’t hindi na ito maaaring mapakinabangan.
Ayon pa sa DOH, ang smuggled na pagkain ay banta sa kalusugan ng mga Pilipino dahil sa posibleng kontaminasyon ng mikrobyong maaaring magdulot ng pagtatae, dehydration, at posibleng pagkamatay.
Matatandaan na nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila ang nasabing sibuyas kasama ang humigit kumulang ₱20 milyon na halaga ng frozen mackerel.
Wala pa naman inilalabas na resulta ang DOH kung maaaring mapakinabangan o makain ang mga frozen mackarel na nagmula pa sa China.
Facebook Comments









