Mga nakumpletong reconstruction project sa Port of Marawi matapos ang Marawi seige, ininspeksyon ni PBBM

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga nakumpletong recovery at reconstruction projects sa Port of Marawi.

Matapos ang pagsasaayos, parte na ng pantalan ang 8,000-square-meter backup area, na may single-storey passenger terminal building, one-storey fish port, berthing facilities para sa fast craft, at Roll-on/roll-off (RoRo) ramp.

Bago ang restoration, ang tanging pasilidad sa Marawi Port ay ang causeway na ginagamit ng mga lokal na mangingisda.

Nasa P261.5 million ang ginugol na pondo para sa proyekto sa ilalim ng Marawi Recovery, Rehabilitation, and Peacebuilding Program sa pangunguna ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD).

Matatandaang nauna nang iniutos ni Pangulong Marcos na bilisan ang rehabilitasyon ng lungsod na winasak ng limang buwang bakbakan o Marawi seige noong May 2017.

Facebook Comments