Mga naligo sa isang resort sa Caloocan City, pinagkwa-quarantine ng DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) na sumailalim sa 14 day quarantine ang lahat ng pumunta at naligo sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinayuhan na rin nila ang kanilang regional office na mahigpit na i-monitor ang lahat ng nagpunta sa nasabing resort.

Aniya, dapat ang mga establisimyento ay alam na hindi pa sila pwedeng mag-accommodate ng mga tao na pupunta sa kanila.


Umapela naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa mga nagtungo sa Ciudad resort na magkusa nang magpa-COVID-19 test.

Facebook Comments