Mga nalunod noong Semana Santa, nadagdagan pa

Umakyat na sa 37 indibidwal ang mga nasawi dahil sa pagkalunod nitong Semana Santa.

Base ito sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP) kung saan mula ito sa 42 mga insidente ng pagkalunod.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Calabarzon Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Western Visayas.


Samantala, lumalabas din sa datos may apat na nasaktan at tatlong nawawala dahil sa pagkalunod.

Facebook Comments