Mga namamatay dahil sa hypertension, dumoble ayon sa isang Biopharmaceutical Company

Nababahala ang Menarini Group sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga namamatay sa Pilipinas dahil sa hypertension.

Base sa pag-aaral, ang mga namamatay dahil sa Hypertension ay tumaas mula 11 porsyento noong 1990 hanggang 21 porsyento noong 2017 kung saan umaabot sa 7.5 milyong katao ang namamatay sa buong mundo bawat taon na lubhang ikinabahala ng grupo.

Kabilang sa nakikitang dahilan ay maraming mga risk factors kabilang na dito ay family history, obesity, paninigarilyo at lifestyle.


Giit ng grupo, maiiwasan lamang ang hypertension kung mag-ehersisyo ng regular, kumain ng sariwang prutas at gulay at magpakonsulta agad sa doktor kung mayroon nararamdaman sa katawan.

Ayon sa Menarini, pagbabago sa lifestyle ang kailangan dahil ang hypertension ay napaka-delikado dahil walang nakikitang sintomas nito, kaya’t tinagurian itong silent killer na dapat pagtuunan ng husto at huwag balewalain.

Facebook Comments