Mga namamatay na may comorbidity, mas mababa ngayon kumpara noong wala pang bakuna

Mas kaunti ngayon ang bilang ng mga namamatay dahil sa co-morbidity na positibo sa COVID-19 kumpara noong hindi pa nagsisimula ang vaccine rollout sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Dr. Lulu Bravo, chairperson ng National Adverse Effects Following Immunization Committee kasunod ng mga naiitalang kaso ng mga COVID-19 positive na nasawi dahil sa ibang sakit pero fully vaccinated na.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Bravo na hindi naman kasi agad papayagang magpaturok ang isang indibidwal na may co-morbidity kung walang pahintulot ng kanilang mga doktor.


Samantala, muli ring iginiit ni Bravo na gumagana ang COVID-19 vaccines at naiiwasang mas maging malala ang kondisyon ng mga pasyenteng nabakunahan na kapag tinamaan sila ng virus.

Facebook Comments