Tukoy na ng Pagalungan PNP ang mga responsable sa pamamaril sa isang Elf Truck na lulan ng 30 indibidwal sa bahagi ng Brgy. Galakit Pagalungan noong January 1, 2018.
Nakatakda na ring isasampa ngayong araw ang kaso sa apat katao na sinasabing sangkot sa walang habas na pagpaputok ng kanilang mga high powered firearms na kinabibilangan ng M16 at M14 sa panayam sa hepe ng Pagalungan MPS Chief of Police ngayong umaga.
Sinasabing mga lasing ang mga suspek at napag tripan lamang pagbabarilin ang mga magkakapamilyang sakay ng ELF. Matatandaang patungo sa outing sa Digos Area ang mga sakay ng truck mula Midsayap at pagsapit sa Galakit ay pinaulanan ng bala resulta sa pagkakasugat ng apat katao kabilang na ang 9 year old na bata.
Nagpapatuloy namang nagpapagaling sa pagamutan ang mga naging sugatan habang nangako ang Pagalungan MPS at LGU na hindi titigil hanggat di mapaparusahan ang mga sangkot.
Mga namaril sa Galakit Pagalungan tukoy na !
Facebook Comments