Mga namatay at nasugatan sa aksidente sa Conner Apayao naging biktima rin ng nakalipas na bagyo

Bago namatay sa malagim na aksidente kahapon sa Sitio Gassud Barangay Karikitan Conner Apayao ay naging biktima muna ng bagyo ang 19 na namatay at 21 sugatan na sakay ng trak.

Sa katunayan ayon kay PNP Cordillera Administrative Region Spokesperson Police Major Carolina Lacuata sumakay ng Elf truck ang mga biktima para kumuha ng binhi ng palay na bigay gobyerno sa Gagabutan Rizal Cagayan.

Pabalik na sila dala ang mga binhi ng palay Via Conner Apayao dahil ito raw ang pinakamalapit na ruta ay biglang namatay ang makina ng trak sa pataas na bahagi ng kalsada.


Dahil dito umatras ito ng pababa at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin na may lalim na 15 metro.

Ang mga namatay at sugatan ay mga residente ng Lattut Rizal Cagayan maliban nalang kay Aida Batallones, SK Chairman ng Barangay Allangigan, Conner, Apayao ang nagiisang taga cordillera na namatay sa aksidente matapos makisakay sa trak.

Facebook Comments