Umakyat na sa 47 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa pito ang nasawi sa Mimaropa, 26 sa Western Visayas, isa sa Central Visayas, at 13 sa Eastern Visayas.
Nasa 140 ang sugatan habang nasa siyam na katao pa ang nawawala.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, karamihan sa mga biktima ay nalunod, nakuryente, o natamaan ng flying debris.
Tumaas din ang bilang ng mga naapektuhang pamilya, na umabot sa 447,164 o katumbas ng halos 1.8 million na indibidwal sa 6,510 na barangay sa Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas at Caraga.
Ang pinsala naman sa agrikultura ay sumampa na sa 782.97 million pesos.
Facebook Comments