Manila, Philippines – Sumampa na sa Isang daan at dalawampu’t dalawa ang naitatalang namatay matapos manalasa ang bagyong Usman sa ilang lugar bansa.
Batay ito sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Tumaas din ang bilang ng mga nawawala pa na ngayon ay umaabot na sa 28 habang 60 na rin ang naitalang sugatan.
Ang mga nasawi, nawawala at nasugatang indibidwal ay mula sa MIMAROPA region, region 5 at region 8.
Dumami rin ang bilang ng mga pamilyang apektado pa rin ng bagyong Usman, umabot na ito sa 75, 326 families o katumbas ng 308, 451 indibidwal.
Nanatili naman ngayon sa mga evacuation centers ang mahigit anim na libong pamilya.
Facebook Comments