Mga namatay dahil sa leptospirosis sa Quezon City, umakyat na sa 49

Inihayag ngayon ng Quezon City Health Department na mula January 1 hanggang October 19, 2024 ay mayroon nang kabuuang 541 indibidwal ang tinamaan ng leptospirosis kung saan 49 na ang namamatay mula sa mga nagkasakit dulot ng impeksyon mula sa maruming tubig baha na nahaluan ng ihi ng daga.

Ayon sa LGU, inaasahan na nilang pagtaas ng bilang ng kaso ng nakamamatay na leptospirosis matapos ang malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Kristine.

Dahil sa naturang insidente ay pinapayuhan ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (CESU) ang publiko partikular na ang mga lumusong sa baha na magpunta sa mga health centers o hospital kung nakararamdam na ng sintomas tulad ng paninilaw ng balat, lagnat, pamumula ng mata, at panginginig.


Matatandaang nitong nakalipas na buwan ng Setyembre ay tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ilang linggo matapos ang pagbahang dulot ng hagupit noon ng Bagyong Carina at habagat.

Facebook Comments