Pumalo na sa 882 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue mula January 1 hanggang August 10, 2019.
Ayon sa Department of Health (DOH) – sa nasabi ring petsa ay naitala rin ang 208,917 na kaso ng dengue sa buong bansa na mataas kumpara sa 102,298 na kaso sa parehong petsa noong 2018.
Pinakamataas na kaso ng dengue ay sa western Visayas na nasa 36,476 kung saan nasa 166 na ang nasawi.
Sumunod ang Calabarzon na mayroong 27,091 cases at 88 ang nasawi.
Samantala, lagpas naman na sa epidemic threshold ang naitalang kaso ng dengue sa sumusunod na rehiyon:
Calabarzon
Mimaropa
Region 5
Region 6
Region 8
Region 9
Region 10
Region 12
BARMM
National Capital Region
Facebook Comments