Mga namatay sa anti-illegal drug campaign ng PNP, dumami pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa giyera kontra droga ng pamahalaan.

Sa isinasagawang command conference ng Philippine National Police (PNP), iniulat ni Police Major General Mao Aplasca, Chief ng Directorate for Operations na umabot na sa 6,600 ang mga napatay sa kanilang anti-illegal drug campaign sa buong bansa.

Saklaw nito ang petsa ng July 1, 2016 hanggang May 31, 2019.


Iniulat din ni Aplasca na may 1,530,574 na ang mga drug personality sumuko sa mga pulis at 240,565 naman ang mga naaresto.

Lumalabas naman na sa nakalipas na 2 taon ay umabot na sa 153,276 ang ikinasa nilang police operation na may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments