Triple ang bilang ng itinaas ng mga namatay na COVID-19 patient sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region (NCR).
Ito’y batay sa OCTA Research kung saan pawang mga nasa edad 65 pataas ang namamatay.
Mula March 28 hanggang April 13, pumalo sa 5.36% ang itinaas ng mortality rate kumpara sa 1.82% na case fatality rate.
Ang mga napunong ospital na hindi kayang tumanggap ng mga pasyente ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming tinamaan ng COVID-19.
Dumagdag pa ang pagdami ng iba’t ibang uri ng variant na halos nagkasabay-sabay na dumapo sa mga pasyente.
Dahil dito, inirekomenda ng OCTA Research na unahing bakunahan ang mga senior citizen at iba pang nasa vulnerable sectors upang may panlaban ang mga ito sa virus.
Facebook Comments