Umabot na sa 202 ang mga namatay sa dengue sa bansa, mula noong Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa Department of Health (DOH), pinakamaraming naitalang nasawi ay noong Mayo at Abril na may bilang na 48 at 43.
Kinumpirma rin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa tinatawag na epidemic threshold ng mga naitalang kaso.
Umabot na rin sa 39,705 ang kumpirmadong kaso ng dengue sa pagpasok ng 2022 hanggang Hunyo 4 na mas mataas ng 31% kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Karamihan sa mga kaso ng dengue na naitala ng DOH ay mula sa Central Visayas, Central Luzon at sa Zamboanga Region.
Facebook Comments