Mga namatay sa leptospirosis, nasa higit 40 na

Tumaas pa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng leptospirosis ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakuhiling datos na inilahad ni DOH Asec. Albert Domingo, umakyat na sa 43 ang bilang ng mga namatay sa leptospirosis, 41 dito ay matatanda at dalawa ay bata.

Karamihan sa mga naitalang kaso ng namatay ay sa Metro Manila.


Napagtala na rin ng 523 na kaso ang DOH, mula August 8 hanggang August 13.

Tiniyak naman ni Domingo na sapat naman ang mga kama o wards ng mga ospital para sa mga pasyente.

Ipinaalala rin nito na hindi lamang sa National Transplant and Kidney Institute at San Lazaro Hospital pwedeng dalhin ang pasyenteng nakararanas ng mga sintomas ng leptospirosis kundi pati sa iba pang DOH hospitals.

Facebook Comments