MANILA – Kinumpirma ni surigao Del Norte Vice Governor Arturo Carlos Egay Jr. na umabot na sa walo ang namatay sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City.Habang higit dalawang daan na ang naitalang nasugatan.Sa huling tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nilinaw ng kanilang tagapagsalita na si Romina Marasigan na apat palang ang kumpirmadong namatay sa lindol na siya namang beneripika ng Department of Interior and Local Government.Samantala, isa sa matinding napinsala ng lindol ay ang Surigao AirportSa interview ng RMN sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesperson Eric Apolonio, na matatagalan pa ang ipinalabas na Notice To Airmen (NOTAM) dahil sa lawak ng pinsala sa runway.Sa ngayon, nasa state of calamity na ang Surigao Del Norte.
Mga Namatay Sa Magnitude 6.7 Na Lindol, Umabot Na Sa Walo
Facebook Comments