Mga namimili sa kadiwa market ng DA patuloy na dinadagsa

44

Madilim pa lamang ay may nakaabang na sa kadiwa market ng Department of Agriculture (DA) para makabili ng mga murang pagkain.

Kabilang sa mga mabibili ay mga karne, gulay, bigas at iba pang agriculture products na mas mura ng 20 hanggang 30 porsyento.


Ala-sais ng umaga nagpapapasok na nasa nasabing pamilihan na matatagpuan sa eliptical road sa pasilidad ng DA

Sa ngayon napakahaba ng pila ng mga namimili pero mahigpit na pinapatupad ang social distancing.

Pumuwesto na rin ang mga taohan ng QCPD para makontrol ang mga tao

Dahil sa biglaang pagdagsa ng mga namimili pinagaaralan ng DA kung kaya bang magbukas ng kadiwa market ng buong linggo.

Sa ngayon tantsahan muna ang operasyon sa kadiwa market kung saan Huwebes at Biyernes ang araw na tiyak na  bukas ang kadiwa market.




Facebook Comments