“Sisiguraduhin natin na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng dalawang magsasakang pinugutan ng ulo”. Ito ang mariing inihayag ni Barira Mayor Abdulradzak Barok Tomawis sa panayam ng DXMY RMN Cotabato.
Bagaman may itinuturo na ring mga nasa likod ng pangyayari mas nakakabuti aniyang maisiguro ng mga otoridad na matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga suspeks at wala ng madamay na iba pa dagdag ng Alklade.
Nakatakda ring pag -uusapan ng Inter Agency Task Force Iranun ang nangyaring brutal na kamatayan ng mga magsasakang sina Ceasar Deamada Fermin, 42 anyos, at Jabon Bistas, 21 anyos, na pawang mga residente ng Barangay Gumagadong Calawag sa bayan ng Parang.
Matatandaang madaling araw ng April 28 ng madiskubreng wala ng buhay at nawawala pa ang mga ulo ng biktima habang pasado alas dose ng tanghali ng April 29 ng matagpuan ang mga pugot na ulo sa Sitio Camalig Brgy Panggao Barira Maguindanao ayon naman kay Parang COP Supt Ibrahim Jambiran sa panayam ng DXMY.
Sinasabing maaring pinugutan ng ulo ang mga biktima habang sa kasagsagan ng mahimbing na tulog ng mga ito kasabay ng malakas na buhos ng ulan dagdag ni PSupt Jambiran.
Kasalukuyang nakaburol na ang mga labi ng biktima habang nakatakda pang ikabit ang mga pugot na ulo ng mga ito. Patuloy rin ang pagbuhos ng emeosyon ng mga pamilya ng dalawang magsasaka.
PNP Pic