Mga nanalo sa BSKE, pinatutulong ng isang kongresista sa pagbabakuna sa mga bata

Pinatutulong ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa mga hakbang o programa sa pagbabakuna sa mga bata ang mga nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Ayon kay Reyes, na sya ring Vice Chairman ng House Committee on Health, kailangang mapataas ang bilang ng mga bakunadong bata sa mga komunidad laban sa iba’t ibang mga sakit gaya ng polio, hepatitis.

Ang hamon ni Reyes sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay ay kasunod ng report ng Department of Health o DOH na bumaba ang “vaccine coverage” sa hanay ng mga batang edad 0 hanggang 12 mula 2020 hanggang 2022.


Binigyang diin ni Reyes na kung magdodoble-kayod sa pagbabakuna at makukumbinsi ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay maililigtas ang mga ito kontra sa mga sakit o posibleng maging sanhi ng kamatayan.

Facebook Comments