Mga nanalo sa lotto at keno, pwede pang makuha ang kanilang premyo – PCSO

Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maaari pa ring kunin ang premyo ng mga nanalo sa lotto at keno.

Ito ay sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang lahat ng gaming activities na may kaugnayan sa PCSO.

Sa official Facebook account, sinabi ng PCSO na ang prizes mula sa lahat ng winning lotto at keno tickets ay maaaring kunin sa kanilang head office simula ngayong araw.


Ang mga winning tickets ay valid sa loob ng isang taon mula sa draw date.

Pwedeng kunin ang premyo sa PCSO Head Office, Conservatory Building, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City mula alas-8:15 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, simula July 29, 2019.

Facebook Comments