Mga nanalo sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho,’ nasa 18 na!

42

Parami na nang parami ang nakatatanggap ng libreng prepaid home Wi-Fi matapos sumali sa “Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.

Ngayong araw, pinuntahan ng mga anchor ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ang apat pang winners sa nasabing promo para ihatid mismo sa kani-kanilang mga bahay ang kanilang premyo.

Kabilang sa mga nakatanggap ng Radyo Trabaho bag na naglalaman ng prepaid home WiFi at Radyo Trabaho souvenirs sina Renselle Manlangit ng Mandaluyong City, Carl Reymundo ng Caloocan City, Josephine Tapon ng Tondo, Manila at Estela Clarin ng Valenzuela.


Ayon sa mga nanalo, gagamitin nila ang napanalunang Wi-Fi sa pag-o-online class.

Sa ngayon, nasa labingwalo na mga tagapakinig na ang maswerteng nakatanggap ng libreng Wi-Fi mula sa DZXL Radyo Trabaho.

Samantala, nanalo naman kanina sa week 10 raffle draw sina Marouis Tangqui-On ng Sampaloc, Manila at Jeneca Beldia ng Quezon City.



Sila naman ang mga kakatukin at sosorpresahin sa susunod na paglabas ng LBMS team.

Facebook Comments