Pormal nang kinilala at naihalal sa posisyon at nanumpa sa katungkulan sa naganap na Oath Taking Ceremonies ang mga nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan Council sa Dagupan City sa nagdaang halalang pambarangay noong Oct. 30.
Nasa tatlumpu’t-isa ang bilang ng mga nahalal ng mga barangay captains kung saan labing-apat dito ay re-elected at ang natitirang labingpito naman ay newly elected na mga punong barangays.
Handa na rin ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Council sa pamumuno pagkatapos sumailalim ang mga ito sa Mandatory Training Program ng Department of Interior and Local Government o DILG. Tinalakay dito ang kabuuang at mga kaalaman na nakapaloob sa mga kakailanganin bilang sila ang tagapamuno ng mga kabataan sa kani-kanilang komunidad.
Samantala, umaasa ang buong siyudad sa mga idineklarang plano at programa na maisakatuparan sa ilalim ng kanilang pamumuno. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments