Mga nanalong party-list groups, target iproklama ng COMELEC sa Mayo 25

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na iproklama sa Mayo 25 ang mga nagwaging party-list group.

Ayon kay COMELEC acting Spokesperson Director John Rex Laudiangco, itinakda ang proklamasyon sa naturang petsa dahil nakabinbin pa rin ang resulta ng eleksyon mula sa ilang lugar sa Lanao del Sur at sa Shanghai, China.

Aniya, positibo silang hindi na makakaapekto pa sa rankings ng mga party-list ang 1,991 votes na manggagaling sa Shanghai, China.


Matatandaang nagdeklara ng failure of elections sa ilang lugar sa Lanao del Sur dahil sa banta ng karahasan habang ang COVID lockdown ang naging hadlang sa halalan sa Shanghai.

Sa ilalim ng batas, 20% ng mga kinatawan sa Kamara ay dapat mula sa mga party-list group.

Sa ngayon, ang 20% ng kabuuang bilang ng mga kongresista ay 63.

Facebook Comments