Nagsalita na ang taumbayan nitong May 9 elections at tinatanggap ito ni Senator Richard Gordon.
Kaya naman binabati ni Gordon ang mga nagwagi sa halalan at dahil sa hangad niyang pagkakaisa at tagumpay para sa bayan ay ipinagdarasal niya na sila ay gabayan ng Diyos.
Lubos naman na pinasalamatan ni Gordon ang lahat ng sumuporta, tumulong at lumaban para sa kanyang kandidatura, at sa mga naniniwala at nanatili sa kanya hanggang sa huli.
Ayon kay Gordon, isang karangalan ang paglilingkod niya sa bayan sa loob ng 53 taon, nasa posisyon man sya o wala.
Sabi ni Gordon, wala man siyang titulo, ang mahalaga ay ang nasa puso niya ang pagsiserbisyo na hinihiling niya sa Panginoon na patuloy niyang magampanan.
Hindi man pinalad sa katatapos na botohan ay patuloy na susulong si Gordon ng taas noo, walang pagsisisi at taglay ang mas matinding hangarin na maghatid ng kapayapaan, kaunlaran, pag-unlad at pag-angat sa dignidad ng bawat Pilipino.