Mga nananamantala sa paggamit ng PWD IDs ngayong may COVID-19, pinatutugis sa gobyerno

Pinakikilos ng ilang mga kongresista ang pamahalaan para masawata ang mga gumagamit ng Person with Disabilities (PWDs) IDs.

Hiniling nila House Committee on Appropriations Chair Eric Yap at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang National Council on Disability Affairs (NCDA) na pag-aralan ang pagpapatupad ng Republic Act 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability (PWD).

Kailangang kumilos ang mga ahensya ng pamahaalan para matigil ang pagkalat ng mga gumagamit ng PWD ID na wala naman talagang kapansanan.


Paliwanag ng mga ito, hindi pa nakakabangon ang bansa dulot ng COVID-19 pero marami ang nanamantala sa pamamagitan ng paggamit ng PWD IDs.

Malaki anila ang nawawala sa mga negosyo at sa pamahalaan dahil sa mga mapagsamantala tulad ng mga ito.

Upang matiyak na mga karapat-dapat lamang ang makikinabang sa benepisyong dulot ng RA 10754, dapat i-recall ng gobyerno ang lumang mga PWD ID at maglabas ng bago na dadaan sa masusing pag-beripika ng DOH o ng NCDA.

Facebook Comments