Umabot na sa higit 57,000 residente ang nananatili sa evacuation centers sa Batangas, Cavite at Laguna.
Ito ay matapos magpatupad ng force evacuation sa mga lugar na sakop ng 14-kilometer danger zone mula sa Bulkang Taal.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal – nasa 57,286 ang lumikas sa evacuation centers, maliit na bahagi ito ng 481,203 na apektadong indibidwal.
Aniya, kapag nailikas na ang lahat ng mga residente sa loob ng 14-km radius ay mabibilan na nila sa kabuoan ang mga nasa evacuation centers.
Sakaling magpatuloy pa ang aktibidad ng bulkan, posibleng palawakin hanggang 17-kilometers ang danger zone kung saan halos isang milyong residente na ang maaapektuhan.
Tiniyak din ng NDRRMC na sapat ang relief goods para sa mga evacuees.
Facebook Comments