Iginiit ng Malacañang na ang panukalang itaas ang daily minimum wage ay dapat mabalanse lalo na at marami pa ring negosyo ang matiding pinadapa ng pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may ilang negosyo ang naglimita ng operasyon habang ang iba ay nagsara dahil naapektuhan ng pandemya ang consumer activity.
Punto pa ni Roque, ang anumang umento sa sahod para sa mga manggagawa ay dapat ma-review at mapagdesisyunan ng regional wage board.
Matatandaang nananawagan ang Kilusang Mayo Uno (KM) na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Facebook Comments