Mga nanay, hinikayat ng Palasyo na ipatupad ang lockdown sa kani-kanilang mga tahanan

Dahil naungusan na natin ang Malaysia sa Southeast Asian countries na may pinaka mataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Muling nakiusap ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na huwag nang magpasaway at pumirme sa mga tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa press conference ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, sinabi nitong nakakahiya ang asal ng mga Pilipino dahil sukdulan ang ating pagiging pasaway


Kung ikukumpara, aniya, ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia ang lahat ay sumusunod.

Pero sa Pilipinas. sa kabila ng pag-iral ng ECQ, nagkakaroon pa rin ng traffic sa ilang kalsada at pagkukumpulan ng mga mamimili sa ilang palengke.

Kasunod nito, umapela si Roque, sa mga ilaw ng tahanan na sila na mismo ang magpatupad ng lockdown sa kani-kanilang mga tahanan.

Facebook Comments