Mga “nanay” na enforcer, ginamit sa Quezon City sa panghuhuli ng menor de edad na gumagala sa harap ng pagtaas ng COVID-19

Mga “nanay” na barangay enforcer ang ginamit ng isang barangay sa Quezon City para maayos na maipatupad ang utos na hulihin ang mga nasa edad 15 pababa na pagala-gala o nasa labas ng bahay habang patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay Barangay Captain Allana Franza ng Matandang Balara, sinadya nilang mga nanay ang kanilang ipinakalat na mag-ticket upang hindi ma-trauma ang mga bata.

Aniya, alam kasi ng mga nanay kung paanong ang paraan ng panghuhuli na ‘di ma-traumatize ang mga nahuhuling bata.


Kanina, kabilang sa mga bata na hinuli ay edad limang taon na nabigla at naiyak.

Naglalaro lang kasi sila sa labas ng bahay at ang isa naman ay nangunguto ng aso sa labas ng bahay.

Abot sa 83 ang natiketang magulang simula kahapon at kaninang umaga ng mga lady enforcer na kabilang sa Task Force Disiplina ang mga lugar sa Barangay Matandang Balara.

Sa kasalukuyan ay nadagdagan ng sampu ang naunang 45 na active cases ng COVID-19 sa Barangay Matandang Balara.

Facebook Comments