Mga nang-iipit ng suplay ng bigas, paiimbestigahan

Tukoy na ng Department of Agriculture (DA) ang mga nang-iipit ng supply ng bigas para hindi bumaba ang presyo nito.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – isasailalim na ang mga ito sa imbestigasyon ng Philippine Competitiveness Commission.

Giit pa ng kalihim ang pagbabaha ng bigas sa merkado ng NFA rice ay bahagi para ibaba ang retail price nito sa 27 pesos bawat kilo mula sa kasalukuyang 38 hanggang 40 kada kilo.


Paluluwagin din aniya nito ang mga bodega ng NFA rice at makalikom ng pera para makabili ng palay mula sa mga magsasaka.

Panawagan naman ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo – dapat manatili sa 20 pesos kada kilo ang buying price ng palay mula sa mga magsasaka.

Sapat aniya ito para makapamuhay ang mga magsasaka at makamit ang kanilang basic needs.

Sinabi naman ni Federation of Free Farmers (fff) National Manager Raul Montemayor – bagamat maganda ang layunin ng pagbaha ng imported rice sa merkado, mas pinapababa lamang nito ang presyo ng palay sa mga magsasaka.

‘Wrong timing’ aniya ito dahil magsisimula na ang panahon ng anihan kung saan hindi kaya ng National Food Authority (NFA) na bilhin ang lahat ng stock ng mga magsasaka.

Facebook Comments