Mga nangangailangan ng atensyong medikal sa Manila North Cemetery, patuloy na tumataas dahil sa napakainit na panahon

Simula kaninang alas-singko nang madaling araw ay umabot na sa 39 ang nabigyan ng atensyong medikal ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Ang nabanggit na mga indibidwal ay nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng dibdib, pagsakit ng ulo at pagtaas ng blood pressure.

Ito ay bunga nang mainit na lagay ng panahon at pagsisiksikan dahil sa napakaraming tao na nagtutungo ngayong araw sa North Cemetery na ngayon ay umaabot na sa 705,000.


Tatlo na rin ang naisugod sa ospital kung saan isa sa kanila ay nagpakita ng sintomas ng stroke at ang isa ay tumaas ang blood pressure.

Facebook Comments