Mga nangangasiwa sa vaccination center sa bansa, nananatiling sapat – PMA

Tiniyak ng Philippine Medical Association (PMA) na sapat ang mga personnel na nangangasiwa sa vaccination center sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PMA President Beny Atienza na naglunsad sila ng medical course kung saan tine-train ang mga vaccinator.

Maliban dito, naghahanap din sila ng mga volunteer na ide-deploy sa mga isolation facility sa bansa.


Kinumpirma naman ni Atienza na pinag-aaralan nila na maging mandatory na ang pagpapabakuna ng mga health worker sa bansa bilang proteksyon sa COVID-19.

Facebook Comments