Baguio, Philippines – Mga kaso ng Physical Injury at Pagnanakaw ang mga nangungunang krimen sa Cordillera kasunod ng mga kaso ng murder at rape, habang isinasagawa ang Enchance Community Quarantine (ECQ) ayon yan sa Unit Crime Periodic Report (UCPER) ng Police Regional Office Cordillera (PRO–COR), kung saan naitala ang mga krimen mula Marso 17 hanggang Mayo 23, 2020.
Ayon sa datos na nakatala sa UCPER, nasa 15 na kaso ng; Physical Injury at pagnanakaw kasunod ang 12 na kaso ng murder, walong kaso ng rape, tatlong kaso ng robbery at dalawang homicide at nasa 28 na kaso na ang kanilang naresolba noong panahon ng ECQ sa rehiyon.
Sa naitalang datos na iprinisinta ng PRO-COR mula Disyembre 2019, ilang mga kaso ng krimen ang bumaba, samantalang ang mga nabanggit na mga kaso ng krimen naman ang tumataas kahit may implementasyon ng ECQ.