Mas pinaigting pa ang pagbibigay seguridad sa lahat ng sulok ng lalawigan ng Maguindanao, matapos ang mga nangyaring pagsabog kagabi sa syudad ng Cotabato, Libungan North Cotabato at bayan ng Upi.
Naideploy na rin ang mga karagdagang pwersa ng PNP at Militar sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan at kapansin- pansin na rin ang mas mahigpit pang ipinapatupad na checkpoint sa mga entry at exit ng mga bayan -bayan.
Kaugnay nito, hinihimok ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang lahat ng LGU at lahat ng mga mamayan na maging mapagmatyag at agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may napansin na mga kahina-hinalang bagay.
Kinukondena rin ng Provincial Government ang nangyaring pagsabog.
Samantala nauna na ring inihayag ni 6th Infatry Kampilan Division Commander Major General Diosdado Carreon na walang dapat ikaalarma sa kabila ng mga insidente. Kontrolado pa rin aniya ng mga otoridad ang sitwasyon. Hinihikyat na lamang ng heneral ang lahat na maging mahinahon .
Sinasabing mahigit 20 katao ang naging wounded, kabilang na ang 8 myembro ng military sa nangyaring magkakahiwalay na pagsabog.
Mga nangyaring pagsabog, kinundena ng Maguindanao Government
Facebook Comments