Mga nangyaring pagsabog sa Mindanao, hamon sa gobyerno – ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang nangyaring pagsabog sa isang Mosque sa Zamboanga City kaninang madaling araw kung saan dalawa ang namatay at 4 naman ang nasugatan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang act of murder na ito kasunod ng pambobomba sa Sulu Cathedral ay malaking hamon sa pamahalaan para protektahan ang mamamayan laban sa mga masasamang loob.

Sinabi ni Panelo na gagawin ng Armed Forces of the Philippines ang lahat para matunton ang mga nasa likod ng mga pagsabog at papanagutin ang mga ito sa batas.


Tiniyak din naman ni Panelo na hindi aatras ang mga taga Mindanao at ipagpapatuloy lamang ang kanilang pamumuhay pero nakabantay at nakaalerto sa anomang kahinahinalang galaw ng sinoman sa kanilang mga paligid at agad na isusumbong ang mga ito sa mga otoridad.

Facebook Comments