Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na iniimbestigahan parin ng pamahalaan ang mga nangyaring patayan sa bansa sa harap narin ng ipinatutupad na war against illegal drugs ng pamahalaan.
Ito ang sinabi palasyo matapos maglabas ang Philippine National Police ng pahayag na walang insidente ng Extra Judicial Killings sa bansa sa kabila ng maraming nangyayaring patayan.
Ayon kay presidential Spokesman Ernesto Abella, ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para matiyak na makakamit ng mga namatayan ang katarungan at mapanagot ang mga nagkasala.
Sinabi din ni Abella na ibinase ng PNP ang kanilang pahayag sa Administrative Order No. 35 na inilabas noong 2013 kung saan hindi kasama sa depinisyon ng EJK ang mga napatay na Drug Suspects.
Paliwanag ni Abella, ang mga kabilang lamang sa depinisyon ng EJK base sa nasabing Administrative order ay ang mga napatay na miyembro ng isang organisasyon tulad ng Political, environmental, agrarian, labor, media practitioner ng mistaken identity sa mga nabanggit na affiliations.