Mga nangyayari sa WPS, ipinarating ni PBBM sa pakikipagpulong kay US Vice President Kamala Harris

Sumentro sa mga kaganapan sa West Philippine Sea (WPS) ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US Vice President Kamala Harris sa sidelines ny APEC Summit sa San Francisco, California, USA.

Ayon kay Pangulong Marcos, interesado ang US Vice President na malaman ang assessment ng Pilipinas sa sitwasyon sa WPS.

Partikular na iniulat din ni Pangulong Marcos sa US official ang mga naganap sa WPS nitong mga nakaraang buwan.


Kasabay nito, iginiit naman ng pangulo na nanatili ang misyon ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Tiniyak naman ni Harris na suportado ng Amerika ang sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa West Philippines Sea kasabay ng muling pagtiyak ng commitment sa mutual defense treaty.

Facebook Comments