Mga nangyayaring problema sa nakaraang halalan dapat imbestigahan nalamang sa executive session ayon sa isang Senatorial Candidate

Naniniwala si Senatorial Candidate Romulo Romy Macalintal na dapat idaan na lamang sa Executive Session ang mga nangyayaring problema sa VCM sa nakaraang eleksyon sakaling imbestigahan ng Senado.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Macalintal na dapat mayroong mananagot sa Comelec sa mga nangyayari aberya sa nakaraang halalan alinsunod sa Procurement Law kung saan dapat mayroon mga  track record ang mga Suppliers ng mga machines.

Paliwanag ni Macalintal na ang problema sa Procurement gaya ng pagbili ng marking pen dapat binusisi ng husto at kinuwestyon nito kung totoong bumili ng emergency purchases hinggil dito sa mahigit isang milyong marking pens.


Giit Macalintal dapat mayroong managot sa mga nangyayaring pagkakaaberya sa nakaraang halalan upang hindi na tuluran sa mga susunod na election.

Facebook Comments