Hinimok ng Malacañang ang mga law enforcement agencies na habulin din ang mga nagbabanta at umaatake kay Vice President Leni Robredo, bukod kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maaaring arestuhin ng mga awtoridad kahit walang warrant ang suspek kung sakaling mayroon silang personal na kaalaman sa taong gumawa ng krimen.
Binigyang diin din ni Roque na nakasaad sa ilalim ng Rules of Court, maaaring ikunsidera ang warrantless arrest kapag ang arresting officer ay nasaksihan at alam ang ginawa ng taong lumabag sa batas.
Bukod sa hot pursuit rule, ang dalawang iba pang grounds ng warrantless arrest ay kung ang suspek ay nahuling ginawa ang krimen at kung ang indibidwal ay isang escaped prisoner.
Sinabi ni Roque, hindi natitinag si Pangulong Duterte sa anumang banta.
Gayumpaman, hahayaan na ng Palasyo ang mga awtoridad na gawin ang mga trabaho nito.