Nagdagsaan ang tao sa Downtown Area ng Dagupan City na nagnais manuod ng Gilon Gilon Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival.
Noong ala una ng hapon kahapon ay unti unti nang nagsidatingan ang mga manunuod sa bayan, may mga matatanda, bata, at mga kabataan dala rin ang kani kanilang mga gamit na pangkuha ng litrato o video sa naturang event.
May mga POSO Officers, Barangay Workers, at mga kapulisan na todo na sa pagbabantay at pagmomonitor sa kapaligiran.
Mayroon ding mga nakastandby na emergency ambulance at teams para sa ano mang klase ng insidente na maaaring mangyari.
Samantala nasa kalagitnaan pa rin ng street dancing ang mga kalahok at maaaring naadjust pa ang oras kung saan naganap ang proper competition. |ifmnews
Facebook Comments