Laman ng pulong nina Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., at kanyang Japanese counterpart na si Japanese Defense Minister Yasukasu Hamada ang mga napag-usapan sa sidelines ng United Nations General Assembly ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Japanese Prime Minister Kishida Fumio.
Kasama sa mga natalakay ang cooperative activities sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa larangan ng defense at security na unang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa.
Sumentro din ang usapan ni Faustino at Hamada sa security developments sa rehiyon, partikular ang kasalukuyang sitwasyon sa South at East China Sea.
Kasama ring natalakay ang mga paraan para mapalakas ang Philippines-Japan bilateral defense cooperation sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maritime cooperative activities, technology transfers, at aktibong dayalago sa lahat ng lebel.
Samantala, nagkasundo ang dalawang opisyal na susuportahan ng Pilipinas at Japan ang isa’t isa upang matiyak ang mas malalim pa na relasyon ng dalawang bansa.