Mga napagtagumpayan ng administrasyon, hindi dapat isantabi ng Human Rights Watch ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Ikinalungkot ang Palasyo ng Malacañang ang pahayag ng Human Rights Watch na nagsasabi na ang unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panunungkulan ay isang Human Rights Calamity dahil sa dami ng napatay kasabay na rin ng war against drugs ng adminsitrasyon.

Ayon kay Assistant Secretary Ana Marie Banaag, kailangang makita din ang mga napagtagumpayan ng administrasyon sa nakaraang taon.

Sinabi ni Banaag na hindi dapat isinantabi ng Human Rights Watch ang mahigit 62 libong anti-drug operations ng mga enforcement agencies na ginawa sa loob ng isang taon at ang mahigit isang milyong drug addicts na sumuko sa mga otoridad.


Patunay aniya ito na mayroong ginagawang paraan ang pamahalan para mabigyang solusyon ang problema sa iligal na droga.

Binigyang diin ni Banaag na ang gusto lang ni Pangulong Duterte ay mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments