Mga napalaya sa ilalim ng GCTA, nilinaw ng isang kongresista na maaari pa ring arestuhin

Manila, Philippines – Iginiit ni House Committee on Justice Chairman Vicente Veloso na maaari pa ring arestuhin ang mga napalayang convicts sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law (GCTA).

Paliwanag ni Veloso, maaaring bawiin ang pagbibigay ng GCTA kung iligal ang naging paggawad dito.

Pinapayagan lamang aniya ang GCTA kung “lawfully justified” ito o nasunod lahat ng standards para bigyang kalayaan ang isang convict.


Sa kaso ng mga napalaya sa ilalim ng GCTA ngayong 2019 marami ay hindi nakasunod sa hinihingi ng batas at hindi dumaan sa DOJ kaya maaari pa rin silang arestuhin.

Hindi katulad sa conditional pardon na pwedeng maipakulong muli ang mga presong nakalaya sa oras na makagawa muli ng paglabag, nakasaad sa konstitusyon na hindi naman maaari pang bawiin o maibalik sa bilangguan ang mga convicts na napagkalooban na ng GCTA.

Samantala, may briefing naman ang House Committee on Justice kaugnay sa status ng implementasyon ng GCTA kasunod na rin ng muntik na pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Hindi naman nakadalo ang mga pangunahing resource persons tulad nila BuCor chief Nicanor Faeldon, DILG Secretary Eduardo Año at Justice Secretary Menardo Guevarra dahil sa magkasabay na pagdinig din sa GCTA ng Senado.

Facebook Comments