May hanggang bukas na lang ang mga heinous crime convicts na sumuko matapos mapalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
At sakaling hindi sumuko, ituturing silang mga pugante.
Pero sa interview ng RMN Manila, nanindigan si Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez na hindi maaaring basta na lang aarestuhin ang mga napalayang preso.
Aminado naman ang mambabatas na malupit ang utos na “shoot-to-kill” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya mapipilitan talagang sumuko ang mga napalayang bilanggo.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Rufus ang mga susuko na maghanda ng petition for habeas corpus sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang iligal na pag-aresto sa kanila.
Facebook Comments