Umabot na sa mahigit 16,000 mga pasaway na police officers ang naparusahan sa ilalim ng Internal Cleansing Program ng Philippine National Police (PNP).
Base sa datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kabilang dito ang 16,839 pulis na naparusahan simula pa noong 2016.
Sa nasabing bilang, 4,784 dito ang natanggal sa pwesto, 8,349 ang nasuspinde at 1,803 ang pinangaralan.
Kabilang sa mga inihatol na parusa ay ang pagpapababa ng ranggo, hindi pagpapasahod, restriction at pagtatanggal ng mga pribileheyo.
Facebook Comments