Mga napasong drivers licenses, mananatiling valid hanggang December 31 – LTO

196

Pinalawig ng Land Tranportation Office (LTO) hanggang December 31, 2020 ang validity ng mga napasong driver’s license.

Ayon sa LTO, ang mga kliyenteng mayroong student permit, driver’s license, o conductor’s license na napaso bunsod ng quarantine restrictions ay mayroong hanggang katapusan ng taon para ito ay i-renew.


Ang extension ay ibibigay rin sa mga kliyenteng hindi pa nakakapag-renew ng registration ng kanilang mga sasakyan.

Paalala ng LTO na mahigpit pa ring ipapatupad ang health at sanitation protocols sa loob ng kanilang mga tanggapan.

Apela ng ahensya sa publiko na huwag nang hintayin ang huling araw ng extension para i-renew ang kanilang vehicle registration para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa kanilang mga opisina.

Matatandaang naglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan pinapayagan nang lumabas ng kanilang mga bahay ang mga may edad 16 hanggang 65 taong gulang.




Facebook Comments