Iniimbestighan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga insidenteng nangyari sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Karamihan umano sa mga insidente ay maaaring nagreresulta na sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Nabahala ang CHR sa naiulat na insidente kung saan gumamit ng pepper spray ang isang pulis sa isang miyembro ng simbahan ng KOJC.
Paalala ng komisyon sa PNP, gamitin ang maximum tolerance at iwasan ang maling pag-uugali at arbitrary na pag-aresto.
Gayundin, iniimbestigahan ng CHR ang umano’y biktima ng human trafficking sa loob ng compound ng KOJC.
Patuloy na imo-monitor ng CHR ang sitwasyo upang tiyakin ang lahat ng mga aksyon na ginawa ng magkabilang grupo ay naaayon sa batas at paggalang sa mga karapatang pantao.