Mga napaulat na mga Chinese National na nagtatrabaho sa Boracay pinabulaanan ng DOLE

Mariing pinasinungalingan ni Labor  Secretary  Silvestre Bello III ang lumulutang na balita na marami ang Chinese Nationals na nag tatrabaho ngayon sa Boracay.

 

Ayon kay Bello, hindi totoong marami nang banyagang intsik ang nag tatrabaho ngayon sa nasabing isla base na rin sa kanilang records.

 

Ayon kay Bureau of Local Employment Dir. Dominque Tutay,  151 ang Foreign workers ang nasa Boracay ngayon at tanging 47 dito ang Chinese Nationals.


 

Tiniyak ni Tutay na ang mga nasabing Chinese Nationals ay pawang may Alien Employment permit at pawang mga Skilled at Professionals ang mga ito.

 

Dagdag pa ni Bello na hindi niya alam kung saan nagmumula ang balita na sandamakmak na ang Chinese Nationals na nag tatrabaho sa Boracay.

 

Ipinunto pa ng kalihim   hindi dapat mabahala ang publiko dahil patuloy naka monitor ang DOLE  sa sitwasyon ng employment sa lugar.

Facebook Comments